EXCLUSIVE: May ₱500 eGift kang pang-grocery sa iyong YGC Rewards Plus Credit Card

Promo Period: November 25 – December 31, 2026

Sulitin ang susunod mong grocery shopping gamit ang iyong credit card!

Gamitin ang iyong credit card sa grocery at umabot sa kabuuang ₱2,000 hanggang Disyembre 31, 2026 upang makatanggap ng ₱500 Grocery eGift. Hindi kinakailangang gastusin ang ₱2,000 nang sabay-sabay. Puwedeng gamitin ang iyong card sa ilang grocery trips hanggang maabot ang required amount.

Ganito lamang kadali:

1.

 Mag-register

I-register ang iyong RCBC YGC Rewards Plus Credit Card upang makasali sa promo.

Mag-register Na
2.

Gamitin sa grocery

Mag-grocery mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 31, 2026 gamit ang RCBC Credit Card. Kinakailangang umabot sa kabuuang ₱2,000 ang iyong pinamili sa grocery.

Hindi pa active ang card? Activate it easily via SMS, chatbot, or hotline bago mag-grocery shopping.
3.

Abangan ang iyong reward

Kapag nakumpleto mo ang promo requirements, ipapadala ang ₱500 Grocery eGift sa iyong registered email.

PROMO MECHANICS

  1. Ang promo ay bukas sa piling cardholders ng YGC Rewards Plus RCBC Gold Visa na makatatanggap ng opisyal na promo email o SMS mula sa RCBC at nag-activate at gumamit ng kanilang kwalipikadong RCBC Credit Card sa loob ng nasabing tagal ng promo.
  2. Ang promo ay magtatagal mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 31, 2026.
  3. Para makuha ang ₱500 grocery eGift reward, kinakailangang makapamili o makapag-grocery ang kwalipikadong cardholder ng hindi bababa sa ₱2,000 gamit ang kwalipikadong RCBC Credit Card sa iisang resibo man o sa kabuuan ng ilang pamimili sa loob ng nasabing tagal ng promo.
  4. Kinakailangang magrehistro ng kwalipikadong cardholder nang isang beses online sa www.rcbccredit.com sa loob ng tagal ng promo at ilagay ang pangalang nakalagay sa credit card, unang walong (8) numero, at huling apat (4) na numero ng credit card.
  5. Ang RCBC account ng kwalipikadong cardholder ay dapat maayos ang estado sa oras ng pagrerehistro at pagpapadala ng eGift reward.
  6. Ang kwalipikadong cardholder na matagumpay na nakapagrehistro at nakumpleto ang kinakailangang gastos ay makatatanggap ng SMS sa kanilang rehistradong mobile number bago o sa Enero 15, 2027. Hiwalay na ipadadala ang eGift reward sa kanilang rehistradong email address.
  7. Maaaring singilin ang halaga ng eGift reward sa cardholder kung makansela ang kwalipikadong pagbili o kung may mapatunayang fraudulent o hindi kwalipikadong transaksyon sa credit card o sa pag-redeem ng reward.
  8. Ang promo na ito ay hindi maaaring isabay sa iba pang targeted promo.
  9. Kung magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan kaugnay ng pagiging karapat-dapat ng customer o sa pagkuha ng promo, ang desisyon ng RCBC Bankard Services Corp. kasama ang pagsang-ayon ng DTI ay ang ituturing na pinal na desisyon.
  10. Ang lahat ng katanungan at isyu kaugnay ng promo ay maaaring tugunan kahit lampas na sa promo period, hangga’t hindi lumalagpas ng tatlumpung (30) araw matapos ang nasabing promo.
  11. Ang promo na ito ay napapailalim sa Terms & Conditions ng pag-iisyu at paggamit ng RCBC Credit Card.

REDEMPTION
  1. Ang ₱500 Giftaway Multi Grocery eGift ay ipadadala sa rehistradong email address ng kwalipikadong cardholder matapos beripikahin ng RCBC ang pagrerehistro, mga kwalipikadong transaksyon, at status ng account.
  2. Ang eGift ay maaaring gamitin sa Puregold, Robinsons Supermarket, WalterMart Supermarket, Shopwise, The Marketplace, Landmark, Metro Supermarket, at AllDay Supermarket. Maaaring magbago ang listahan ng mga kalahok na pagbibilhan depende sa availability. Upang makita ang mga kasaling tindahan at kanilang lokasyon, bisitahin lamang ang page na ito: Giftaway Multi Grocery page.
  3. Ang bawat eGift ay may natatanging code na tumutugma sa isang halaga. Upang magamit ang eGift, kinakailangang ibigay ang code sa tindahan na pagbibilhan para sa beripikasyon.
  4. Kapag gagamitin ang eGift, kinakailangang hintayin ang beripikasyon ng store manager. Ang store manager ay makatatanggap ng resulta mula sa nasabing proseso na naglalaman ng halaga at bisa ng eGift. Susundin lamang ng store manager ang nakasaad sa resulta ng beripikasyon.
  5. Kung offline o hindi gumagana ang validation system para sa beripikasyon ng eGift, magalang na tatanggihan ito ng store manager. Maaaring gamitin ang eGift kapag nagbalik o online na ang system.
  6. Responsibilidad ng tatanggap ng eGift reward ang pag-iingat sa code ng eGift. Ibigay lamang ang eGift code sa store manager kapag nakapagpasya na siyang gamitin ito sa napiling tindahan.
  7. Maaaring hindi magamit ang eGift sa ilang mga items o serbisyo na naka-promo at hindi maaaring ipalit sa pera.
  8. Maaaring gamitin ang eGift nang isang beses lamang. Kung may matitira sa halaga ng eGift, walang ibibigay na sukling pera ang inyong pinagbilhan. Kung ang pinamili ay lumagpas sa halaga ng eGift, babayaran lamang ang halaga ng kulang.
  9. Ang eGift ay magagamit lamang sa mga kalahok na tindahan.
  10. Maaaring may karagdagang terms & conditions ang napiling pagbibilhan.

DTI Fair Trade Permit No. FTEB-XXXXX, Series of 2026